Mga kapatid,
At exactly 8:40pm (Manila Time) September 7 (Thursday), i'm bound for Bond University in Gold Coast Australia to commence my Master of Communication studies.
As expected, I experienced so many unfortunate events prior to my flight. (Pati nga pagkamatay ng Crocodile Hunter, sinisisi sa akin).
Umpisa muna tayo sa good news. Finally, may susundo sa akin sa airport courtesy of Bond. Muntik na akong di makakuha ng airport transfer request receipt kasi kelangang bayaran ko thru credit card. E, marginalized nga ako eh, meron akong credit pero walang card. Buti na lang naalala ko, my credit card si misis, ayun solve ang problema. (Kainis, ngayon ko lang naalala na may credit card pala si misis, e di sana di ako nagkaproblema sa housing accommodation....)
O di ba, segue na sa jinx experiences.... Ito ang matindi, wala pa akong housing accommodation! Panong nangyari yun? Nasarhan ako ng on - campus accommodation kasi late na nga ako nag - enroll. Kaya sa off - campus ako humirit. Sabi ng manager ng Accommodation People, ang accommodation agency ng Bond, kelangan daw magdeposit muna ako para ma - secure ang accommodation ko. Dun nagsimula ang paghihirap. Wala akong perang pangdeposit kasi a day before ng flight pa makukuha ko ang settling allowance at first monthly allowance kung saan dun kukunin ang deposit. Marami sana ang nag - offer sa kin, biglang umurong. May magkapatid na students din ng Bond ang unang naglakas loob na nag - offer sa akin ng accommodation. Nagtanong sila kung ilang months ko gustong tumira sa kanila. Tiningnan ko ang cost ng deposit, good for 1 month, so sagot ko... i intend to stay with you for at least a month but I assure you that for sure I will extend....
Di naman ako sinabihan ng manager ng Accommodation People na may rule or law na minimum of 3 months ang lease contract sa kanila. So ayun, tinaggihan ako ng magkapatid!
Sunod na naglakas loob ay isang pulis. Tinaggap ko kaagad kahit na takot ako sa mga may baril kesa sa tumira ako sa bulsa ng kangaroo. Kaso, biglang dumating ang dalawa niyang anak na titira sa kanya hanggang Christmas. Di pa man nakatuntong sa Bahay ni Kuya Pulis, evicted agad ako.
Nag - offer uli sa akin ang manager ng room sa Varsity Towers (sosyal ito na student residence, parang hotel), may mga reserve yata sila para sa mga medyo malas na parehas ko... Ang housing deposit?... umaatikabong $ 1,020.00 (i guess Australian Dollars, P39 ang conversion)!!! Mga kapatid, US$1,450.00 lang dala ko, paano ako kakain nito?! Hingi ako ng advise ni Mam Bambot, parehas kami ng iniisip, super sosyal ang housing ko pero gutom ang aabutin ng bulate ko... Walang choice, di ko kayang tanggapin ang offer, marginalized lang po ako...
Kaya mga kapatid, boung tapang akong susugod sa "Down Under" na walang masisilungan man lang.... I was instructed to proceed as scheduled, like a good soldier, I obeyed without questions....
Hindi pa po ito ang kumpletong horror story, trailer po pa lang ito. Pag may time, isusulat ko ang matitinding karanasan simula ng nang mag - apply ako sa Bond. Naalala ninyo yung kwento sa BIR ng isang free lance writer na naforward ko nga sa iba sa inyo? Panis, sisiw yun!
Munting kahilingan mga kapatid.... ipagdasal po ninyo ako. Ipagdasal din po ninyo ang Australia na sana'y hindi maapektuhan ng "special powers" ko... Pero magsaya na po kayo na maiiwan ko dahil.....UUNLAD NA ANG PILIPINAS, LUMAYAS NA ANG JINX!......
....Dasal ko din, sana swertihin na ako sa Australia....OOOOPPPPSSSS, WALANG KOKONTRA! ANG KUMONTRA, IPAPAMANA KO ANG SPECIAL POWERS KO !!!
Vavuskah!
Toteperez
Hari Ng Sablay
Wednesday, September 06, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
Carry on and may your dream come
to reality in Australia. By the way
BJ batch 86 is in Australia. Check
with Jet, I think he knows his phone number.
GOODLUCK TOTEP
MAKE IT BIG DOWN THERE I KNOW U WILL
YAYES
hi totep,
unbelievable talaga an experience mo hehehe. maybe u can contact bomick and BJ basi me kakilala sila dyan.
bro, payt lang am sure panis sila lahat sayo...considering ikaw may "powers" sila wala..hehehehe..we'l pray for u! keep us posted..
Godspeed to you and may your journey be filled with exciting surprises in every bend and corner of your path ... no dull moment ... not a stone remains unturned ... kasi ang Hari ng Sablay ay may tanging kapangyarihan mula sa Kanya. O, di ba? Payt lang.
Sori palan ta dai kita nagherelingan sa Bacon kan nagralamay kamo. Grabe an jetlag ko kaito. Dai man kaya nindo pinangaranan kun siisay kamo. I just heard "ex-seminarians." With my discrimanating self, my eyelids fell again into deep slumber. Please forgive me, 'mate and company. My regrets and apologies.
Prayers,
Fr. Roy
mate,
its ok padi roy. Enjoy man kami nira lala, chit, gwen, ian, jay, tato na libaklibakon habang turog ka kaito.haha
Good News! May nagkaigwa tulos ako Chinese Friend Wang Lin "Ricky" Bond student man, pinaturog ako sa room niya during my first night. The following night, kinua na ako kan pinoy family na nag host sakuya digdi. Si Enrique "Butch" Enriquez, ex - sem man & Couples for Christ Coordinator digdi. Si misis niya chef didi sa Bond. Mala ngani kay san first night ko sainda last Saturday, invited tulos ako sa dinner san mga Pinoy Catholic Orgs didi. Bagan fiesta an karaon.
Hope you can visit me "Down Under"
sano,
kmusta it's bj here. i'm not sure if you still remember me but if ever you are in sydney, look me up my number is 0433 957268 my home is always open for sanos
bj
Totep,
it may not be the best start but you will find it that is was the most adventourous, napakacliche ng iyong experience -- ala Nora Aunor, di ba?
keep the stories coming. is your family following you?
email me: paulo12@ameritech.net
paulo
Post a Comment